Sunday, December 2, 2012

Mamamayang Liberal - First Anniversary


Talumpati ni Vicky Garchitorena, Bise Presidente para sa Sektor ng Mga Kababaihan ng Liberal Party, sa Balay, Quezon City, sa Nobyembre 30, 2012

Ang araw ng November 30, 2011 ay maihahambing sa isang bukang liwayway – simbolo ng pagbubukas ng pintuan ng Partido Liberal sa mga basic sectors. Napakmakabuluhan na nailunsad ang Mamamayang Liberal sa araw ni Andres Bonifacio, isang bayani na galing sa hanay natin. Isa sa mga batayang sector na inilunsad ay ang sektor ng kababaihan. Ito ay alinsunod sa batas na tinatawag na Magna Carta of Women na nagsasaad ng pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan sa mga kalalakihan sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay – sa pamilya, sa negosyo, sa pulitika at sa lahat ng kinikilusan natin sa lipunan. 

Kami po bilang Women’s Sector ay nangangako na gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang paunlarin ang antas ng kabuhayan ng mga kababaihan sa lahat ng sulok ng Pilipinas; patingkarin ang antas ng mga women’s organizations; at maturuan ang lahat ng mga kakayahang pangkabuhayan, tulad ng financial literacy, skills training, microfinance, at pag-nenegosyo. 

Maglulunsad din po tayo ng mga programa upang madevelop ang ating leadership skills at ang ating kaalaman sa pagbubuo at pagpapatakbo ng mga development projects upang makilahok sa utos ng Pangulong Aquino sa Bottom-Up Budgeting process

Sa tulong po ninyong lahat, sa sama-sama nating pagkilos, kami ay naniniwala na posible na ang sektor ng kababaihan, kasama ang mga hanay ng manggagawa, mga marilatang taga-lungsod, mga magsasaka at mangingisda, at ang mga kabataan, ay maisusulong natin ang tunay na reporma sa sistema ng ating pulitika. 

Sa ganitong paraan, ang mga sektor natin ay makikibahagi sa pagsulong ng isang political system kung saan ang mga karapat-dapat, ang mga may kaukulang talino at ang mga matitino ay siyang magpapatakbo ng ating lipunan. Sa ganitong paraan, mapapalawak natin ang hanay ng mga kandidato hindi lamang yung mga may pangalan o yung mga may kayang magbuhos ng salapi. Sa ganitong paraan, mapalalakas natin ang Partido Liberal upang maituloy-tuloy ang mga reporma na inumpisahan ni Pangulong Aquino. Sa ganitong paraan, magkakatulung-tulong ang lahat ng mga sektor ng lipunan upang tuloy-tuloy na ang pag-unlad ng ating bayan.

Kami ay nananawagan sa lahat ng mga naririto, sa lahat ng ating mga kasama sa Partido Liberal, tayo’y magka-isa sa ating mga paninindigan, sa ating mga mithiin at sa ating mga pagkilos. Kami ay nanawagan sa mga nasa gobyerno, na puspusang ibaba sa ating mga sektor ang mga basic services na kailangan nila upang lubusang makilahok sa buhay ng ating bayan. Kami ay nananawagan sa mga negosyante, na maging tapat sa kanilang mga empleyado at maging bukas-palad sa mga nangangailangan ng kanilang tulong. Kami ay nananawagan sa aming mga kahanay na mga NGO (Non-Government Organization) at PO (Political Organization), na idagdag ang political education sa kanilang mga pagtulong sa aming mga sektor. 

Ang kaunlaran ng ating bayan na nalalasap natin nayon ay tumitingkad dahil sa patuloy na pagtugis ni Pangulong Aquino at ang kanyang pamahalaan laban sa katiwalian. It is therefore clear that for development to be scaled up and sustained, we need good governance, yung tinatawag natin na “matuwid na daan.” In turn, good governance needs good people—those whom Jesse Robredo called “magaling at matino” to serve government as elected and appointed officials. This means we need a strong and robust political system that will ensure that good men and women from all sectors of society can be identified, nurtured, encouraged and assisted to join the electoral process.  

Ito ang pangarap ng sektor ng mga kababaihan ng Partido Liberal.  This is the dream of the women’s sector of the Liberal Party—to develop and empower women from all walks of life so that they too can have a voice, so that they too can have a seat at the table where decisions on the life of their family, their community, their city and their country are made.  

Today, it is just a dream. Tomorrow, we will make that dream come true. 

Ngayon, panaginip pa lamang ito. Asahan po ninyo na bukas, itong aming panaginip ay mabibigyan ng buhay – sa tulong ninyong lahat at patnubay ng Panginoon. 

Mabuhay ang Mamamayang Liberal!

No comments:

Post a Comment